Global population, posibleng lumabo na sa 9.8 billion sa taong 2050, batay sa report ng United Nation

Manila, Philippines – Mula sa kasalukuyang 7.6 billion, inaasahang lolobo na sa 9.8 bilyon ang populasyon ng buong mundo pagdating ng 2050.

Ito ang lumabas sa latest report ng UN Department of Economic and Social Affairs.

Batay sa nasabing pag-aaral, 83 milyong indibiduwal ang nadadagdag sa bilang ng populasyon ng mundo kada taon, kaya patuloy ang pagdami ng tao kahit pa bumaba ang lebel ng fertility.


Sa UN report – ang global population sa taong 2030 ay aabot na sa 8.6 billion, habang 9.8 billion sa 2050 at 11.2 billion sa 2100.

Sa taong 2050, mauungusan na ng india ang china sa bansang nangunguna sa may pinakamalaking populasyon sa buong mundo.

Maging ang Nigeria ay papalo na sa pangatlong pwesto kung saan malalampasan na nito ang Amerika.

Nabatid na kalahati ng population growth ng mundo ay nagmula sa siyam na bansa na kinabibilangan ng India, Nigeria, Pakistan, Democratic Republic of the Congo, Ethiopia, United Republic of Tanzania, Amerika, Indonesia at Uganda.

Facebook Comments