Global sportswear leader nagbukas ng superstore sa Tacloban, pagtangkilik sa talento ng waraynun

TACLOBAN CITY— Dahil sa patuloy na pagsusumikap na mapabuti ang talento at kasanayan ng mga atleta mula sa Eastern Visayas, nagbukas ang global sportswear leader na ANTA ng kanilang kauna-unahang ANTA Superstore sa Pilipinas, na matatagpuan sa Tacloban City.

Ayon kay ANTA PH General Manager John Paul Paglinawan, Tacloban ang napiling lokasyon para sa pinakamalaking ANTA store sa bansa dahil sa kanilang pagtangkilik at paniniwala sa kakayahan ng mga taga Eastern Visayas, maging atleta man o hindi.

“This development aims to be the apparel difference-maker that the city of Tacloban and beyond have been longing for. We at ANTA believe that sports are for everyone, especially the youth, and we hope to support them in unleashing their true potential,” ani Paglinawan.

Ang mga produktong makikita sa tindahan ay nakatuon sa casual basics, lifestyle apparel, at sportswear para sa lahat ng edad. Dito makikita ang pangako ng ANTA na magbigay ng “high-quality basics” sa mga Pilipino upang mag-enjoy sa isang stylish at komportableng lifestyle.

“Superstore is positioned to be the go-to apparel store for customers/athletes in Tacloban City and the whole of Leyte province,” dagdag pa niya.

Plano din ng ANTA na palakasin ang komunidad ng mga atleta sa pamamagitan ng mga mas abot-kayang produkto at pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan.

Sa buong Pilipinas, ito na ang ika-55 na tindahan ng ANTA, at ang kauna-unahang ANTA store sa bansa at ikalawa sa buong Southeast Asia.

Matatagpuan ang tindahan sa Level 1, Expansion ng Robinsons Place Tacloban, Tabuan National Highway, Marasbaras, Tacloban City.

Facebook Comments