Global Unions, hiniling sa gobyerno na palayain ang 7 Trade Union Organizers kabilang ang isang journalist

Umapela ang grupong Nagkaisa Labor Coalition sa Duterte Administration na agarang pakawalan ang tinatawag na Human Rights Day 7 workers at journalist at ibasura ang kanilang mga gawa-gawang kasong kriminal laban sa unionists at mga aktibista.

Ayon kay Nagkaisa Labor Coalition Atty. Sonny Matula, mariin nilang kinondena ang pag-aaresto kina Trade Union Organizers Dennise Velasco ng Defend Jobs Philippines, Romina Astudillo, Deputy Secretary-General ng Kilusang Mayo Uno-Metro Manila, Mark Ryan Cruz, Regional Executive Committee ng KMU-Metro Manila, Jaymie Gregorio Jr. ng KMU-Metro Manila, Joel Demate ng Solidarity ng Labor Rights and Welfare (SOLAR), Rodrigo Esparago ng Sandigang Manggagawa sa Quezon City (SMQC) at journalist Lady Ann Salem ng Communication Officer of the International Association of Women in Radio and Television, and Editor for online news site ng Manila Today.

Sina Astudillo at Cruz ay elected bilang opisyal ng KMU Metro Manila Chapter kung saan itinaon pa ang pagsalakay noong madaling araw ng December 10, International Human Rights Day kung saan nakumpiskahan sila ng mga matataas na kalibre ng armas sa isinagawang search warrant sa kanilang tinutuluyan.


Paliwanag ni Atty. Matula, ang mga aktibista ng Trade Union ay ginagawa ng kriminal, iligal na inaaresto, at ikinukulong kung saan pinipigilan ng gobyerno na mag-organisa ng union at asosasyon at sinisikil ang kanilang kalayaan na mag-isip at magpahayag na kanilang mga saloobin at karapatan na naaayon sa batas bilang isang lehitimong manggagawa.

Umapela sila sa Duterte Administration na pakawalan ang Human Rights Day 7 workers and journalist, at ibasura ang mga kasong isinampa laban sa kanila at tigilan na umano ang gawa-gawang criminal charges laban sa mga samahan ng union at aktibista.

Nanawagan din ang grupo sa mga UN Human Rights Council at International Labor Organization na ikonsidera bilang emergency ang malalang kondisyon ng karapatang pantao sa Pilipinas at magpadala ng kanilang kinatawan upang imbestigahan ang pang-aabuso sa karapatang pantao at tulungan na baliktarin ang sitwasyon sa Pilipinas.

Facebook Comments