Globe at NABU, naglunsad ng mga bagong libro para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika

Kaugnay ng temang “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Inklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan,” binigyang diin ng Globe at NABU ang halaga ng wika sa pagkakaisa sa bansa.

Para sa Buwan ng Wika ngayong taon, nakipag-ugnayan ang NABU sa tatlong mga ina para ibahagi ang kanilang mga kwento sa “Mother’s Legacy Project.” Kabilang sa mga aklat na ito ang:

  • “Ang Malaking Dagat na Tinatawag na Internet” ni Chary Mercado, na tungkol sa tamang paggamit ng internet;
  • “Panganay, Gitna, at Bunso” ni Georgia del Rosario, na tungkol sa magandang samahan ng magkakapatid; at
  • “Kaaya-ayang Balat” ni Laura Verallo de Bertotto, na tungkol sa kahalagahan ng malusog na balat

Nagbahagi ang Globe at NABU ng mga kwentong katha ng mga nanay, gayundin ang mahigit 100 aklat na isinalin sa iba’t ibang wika sa Pilipinas gaya ng Tagalog, Hiligaynon, Bicolano, Ilokano, Cebuano, at Maranao.

Layunin nito na turuan ang mga bata sa kanilang sariling wika saan mang panig ng bansa sila nakatira.

Para sa Globe at NABU, mahalagang magbasa ang mga bata ng mga kwento kung saan may mga karakter na pamilyar sa kanila gaya ng mga ina na tinaguriang ilaw ng tahanan.

Hangad nilang ibahagi sa mga bata ang mga kwentong naglalaman ng mga pangarap at saloobin ng mga ina para sa kanilang mga anak.

“Ang wika ay hindi lamang isang communication tool. Dito nakapaloob ang ating values, mga tradisyon, at ang ating kasaysayan. Sa pamamagitan ng paghikayat sa mga bata na matuto at yakapin ang kanilang katutubong wika, magkakaroon tayo ng isang lipunan kung saan ang bawat isa ay may tinig na maririnig ng mas nakararami,” pahayag ni Yoly Crisanto, Chief Sustainability at Corporate Communications Officer ng Globe.

Ayon naman kay Mauro Daez, Country Manager ng NABU Philippines: “Ang yaman ng ating kultura ay nakapaloob sa ating mga wika. Sa pamamagitan ng pagtataguyod ng pag-aaral sa iba’t ibang katutubong wika, hindi lamang natin pinapangalagaan ang ating linguistic differences kundi pinapalapit din natin ang ating mga anak sa kanilang pinagmulan.”

Ang NABU ay isang grupo mula sa New York na layunin ay tulungan at hikayatin ang mga bata na mahalin ang pagbabasa.

Noong nakaraang taon, naging opisyal na e-book distribution partner ng NABU ang Globe sa Pilipinas. Layunin nilang mapabuti ang pag-aaral ng mga bata gamit ang mga aklat sa sariling wika at mabuksan ang potensyal ng bawat isa.

Ang NABU: Multilingual Kids Books app ay maaaring i-download nang libre sa Google Play Store at App Store. Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang www.nabu.org o www.nabu.org/tl/philippines.

Patuloy ang Globe sa pagtulong sa edukasyon at pagkakaisa bilang bahagi ng tungkulin nito sa komunidad.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Globe, bisitahin ang www.globe.com.ph.

Facebook Comments