Thursday, January 15, 2026

Globe at TIP, inilunsad ang Digital Thumbprint Ambassador Program upang bigyang lakas ang mga estudyante bilang mga tagapagsulong ng kaligtasan sa online

Sa pagtaas ng mga banta sa cyber at sa pagkakabilang ng Pilipinas sa mga bansang pinaka-target ng cyberattacks, nagsanib-puwersa ang Globe at ang Technological Institute of the Philippines (T.I.P.) upang ilunsad ang Digital Thumbprint Ambassador Program, isang bagong bahagi ng award-winning Digital Thumbprint Program (DTP) ng Globe na nagbibigay kapangyarihan sa mga estudyante na maging tagapagsulong ng responsableng digital citizenship.

“Young people are at the forefront of the digital world, so they’re also among the most at risk,” pahayag ni Yoly Crisanto, Globe Group Chief Sustainability and Corporate Communications Officer. “Through our partnership with T.I.P., we’re giving students the tools and confidence to protect themselves and others online. The Digital Thumbprint Ambassador Program empowers them to turn awareness into action and help build a safer, more compassionate digital community.”

Sa ilalim ng partnership, ang mga piling estudyante ng T.I.P. ay sasanayin ng Globe bilang Digital Thumbprint Ambassadors at trainers upang isulong ang digital literacy, turuan ang mga kapwa estudyante, at katawanin ang eskuwelahan sa mga cyber wellness event. Makakakuha rin sila ng access sa internships, mentorship opportunities, learning tools, at suporta upang maisakatuparan ang kanilang mga community project.

“We at T.I.P. believe in empowering our students not just to excel academically, but to contribute meaningfully to society. Through this partnership with Globe, our students are given the platform to apply their digital knowledge for social good, equipping them to protect themselves and others from online harms while becoming responsible digital citizens,” wika ni Dr. Frank D. Alejandrino, Vice President for Student Affairs and Services at the Technological Institute of the Philippines.

Ang bagong ambassador program ay nagpapatibay sa patuloy na pagsisikap ng Globe na protektahan ang mga Pilipino online sa pamamagitan ng teknolohiya at edukasyon. Sa larangan ng edukasyon, naabot na ng Digital Thumbprint Program (DTP) ng Globe ang halos 2 milyong estudyante, at nakapagbigay ng pagsasanay sa 115,000. Sa taong 2025 lamang, mahigit 21,000 estudyante at guro ang nakibahagi sa mga sesyon ng pagkatuto ng DTP sa buong bansa.

Hikayatin: Pagtatatag ng mabuti
at mas ligtas na digital world

Patuloy na nakaaapekto ang cyberbullying sa maraming estudyanteng Pilipino, binibigyang-diin ang pangangailangan para sa digital empathy at accountability, mga pagpapahalaga na pangunahing nakapaloob sa Digital Thumbprint Program (DTP) ng Globe.

“To our T.I.P. ambassadors, every click, comment, and share leaves a mark. Let those marks reflect integrity, empathy, and respect. T.I.P.’s vision is anchored on technology and inclusion and we believe that the responsible use of today’s technologies start with you,” ani Crisanto.

Inaanyayahan ng Globe ang mga eskuwelahan sa buong bansa na lumahok sa programa at makipagtulungan sa pagpapatupad ng Digital Thumbprint Ambassadorship Program, na nagbibigay-lakas sa mga estudyante na pangunahan ang mga pagsisikap sa pagtatayo ng mas ligtas at mas mapagkalingang online community.

Sa pamamagitan ng partnership na ito, ang mga eskuwalahan ay maaaring makatulong sa pagpapalakas ng empatiya, pigilan ang cyberbullying, at itaguyod ang responsableng digital citizenship sa mga kabataang Pinoy.

Facebook Comments