Globe Business, suportado ang MSMEs 

Para sa micro, small and medium-sized enterprises (MSMEs) ng bansa, ang Christmas season ay nagbibigay ng mga oportunidad dahil ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang holidays ngayong taon ng may mas malawak na kalayaan na lumabas, magsama-sama at mag-shopping.

Ito rin ang panahon na nahaharap ang mga entrepreneur sa maraming hamon: mula sa “tracking and fulfilling orders to managing logistics and keeping inventory.” Ito ang dahilan kung kaya magmula noong 2017, ang Globe Business ay nagsasagawa ng annual Christmas tradition Gift Local para isulong ang suporta nito sa mga lokal na negosyo.

Ang Gift Local ay naglalayong tulungan ang MSMEs na matamo ang tagumpay sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng oportunidad na maabot ang mas malawak na merkado at maibida ang mga curated product mula sa maliliit na negosyo.


“We host Gift Local every year to serve not just as a platform for MSMEs to reach more customers during Christmas, but also as a means to make them experience the lasting impact of digital innovations in growing their businesses,” wika ni Angie Po, Product Marketing Head of MSME Group, Globe Business.

Nasa ika-3 taon na ngayon, ang Gift Local Live Selling ay tatampukan ng partner MSMEs at ng kanilang local products sa December 2, 7:30 p.m. via Globe Business Facebook page.

Kabilang sa mga kalahok na merchants ang Kapelipino, Daniel Baker, OLLOCAL PH, Lumi Candles, Big Al’s, Bayongciaga, Artisanat Handmade, Kurimu, Magkawas Beauty and Wellness OPC, Witty Will Save The World, Michee Mich, Terralane Ph, Cubo Essentials, at Habi Lifestyle.

Ang mga kalahok na Gift Local merchants ay magkakaroon ng pagkakataong gamitin ang ChatGenie, na tumutulong na mapalakas ang kanilang negosyo online tuwing abalang season na ito.

Ang ChatGenie ay isang In-App Commerce Platform na nagpapahintulot sa MSMEs na kasalukuyang kumukuha ng orders manually via chat sa Facebook, Instagram, Viber, at GLife sa GCash na magkaroon ng organisadong online store sa nasabing top apps. Ang naturang digital solution ay nagpapahintulot sa merchants na magbenta, mangolekta ng bayad, isaayos ang shipping at kahit i-track ang delivery sa isang dashboard.

“This time of the year accounts for the highest sales for businesses, and we want to make sure our MSMEs are able to make the most out of this season. And this is why we continue to rally shoppers to support local businesses through Gift Local. For every gift that you buy from Gift Local, you bring countless smiles to others by helping grow a small business, by giving livelihood to local communities, and by putting food on the table for countless others. One small act creates a huge impact, so share joy this Christmas one gift at a time with Globe Business Gift Local,” ayon pa kay Po.

Facebook Comments