Globe, ‘Most Reliable Mobile Network’ sa Pinas

Nakamit ng Globe ang inaasam na pagkilala bilang ‘Most Reliable Mobile Network’ sa Pilipinas sa second quarter ng 2022.

Tinalo ng Globe ang ibang players pagdating sa consistency at availability, base sa pagsusuri ng Ookla® sa Speedtest Intelligence® data.

Natamo ng Globe ang pinakamataas na Consistency Score™ na 79.44 at Most Available All Technology score na 93.11.


Kakaunti lamang na mobile operators sa mundo ang nagawang makamit ang pangingibabaw kapwa sa consistency at availability, dahilan para maging isang mailap na pagkilala ang reliability claim sa industriya.

Ang consistency score ng Globe na 79.44 ay may halos two-point advantage sa susunod na player, na nakakuha ng 77.69. Samantala, ang third placer ay may 73.82.

Pagdating sa availability, ang Globe ay tumanggap ng pinakamataas na iskor sa 93.11, naungusan ang mga competitor na nakakuha ng 91.91 at 91.41, ayon sa pagkakasunod.

Ang availability score ay kumikilala sa network na ang users ay ginugugol ang pinakamataas na porsiyento ng kanilang oras sa lahat ng teknolohiya.

“Being declared the Philippines’ Most Reliable Mobile Network is testament to the gains of our network buildup, which we have aggressively pursued over recent years. Ookla’s recognition is proof that wherever our customers are, Globe is there to provide reliable service in calls, SMS and data,” sabi ni Globe President and CEO Ernest Cu.

Samantala, tinukoy ni Darius Delgado, head ng Globe’s Consumer Mobile Business, kung gaano kahalaga ang reliability– na sinusukat pagdating sa consistency at availability– sa mga customer higit sa speed, lalo na kung sineserbisyuhan na sila ng 4G/LTE at 5G networks.

“Ookla’s latest data show that Globe is indeed best-in-class in both consistency and availability– an acclaim that only a few mobile networks in the world have managed to attain. This affirms our efforts to achieve #1stWorldNetwork, and inspires us to march on with expansion plans so we can serve our customers better,” ani Delgado.

Bilang bahagi ng komitment nito sa inobasyon kaugnay sa United Nations Sustainable Development Goals, isinusulong ng Globe ang walang humpay na network expansion, na may 234 bagong cell sites na itinayo sa first quarter ng taon, 3,500 mobile sites na na-upgrade, at 380 pang 5G sites at 470,000 fiber-to-the-home lines na ikinabit.

Noong 2021, isang unprecedented CAPEX na P92.8 billion ang nagresulta sa pagdaragdag ng 1,407 bagong towers, pag-upgrade ng mahigit 22,300 mobile sites sa 4G/LTE, at pagkakabit ng 1.4 million fiber-to-the-home lines at 2,000 5G sites sa buong bansa.

Target ng Globe na makapagtayo ng kabuuang 1,700 bagong cell sites ngayong taon para maabot ang mas marami pang customers. Sa kasalukuyan, ang Globe ay may customer base na 92 million na sumasaklaw sa mobile at broadband businesses nito.

Facebook Comments