Na-block ng Globe ang mahigit 32.2 million scam at spam text messages na may clickable links sa loob lamang ng dalawang linggo makaraang ipatupad ang unprecedented measure laban sa lahat ng person-to-person SMS na may URLs.
Ang numero ay para sa September 28, nang simulan ng Globe na ipatupad ang mahigpit na hakbang, hanggang October 13 period. Nangangahulugan ito na na-block ng Globe ang average na 2.4 million SMS na may clickable links kada araw sa nasabing panahon.
“The amount of text messages with clickable links we blocked within just about two weeks shows the staggering number of spam and scam SMS that disrupt and threaten customers every day. This is empirical proof that our security measure was warranted,” pahayag ni Anton Bonifacio, Chief Information Security Officer ng Globe.
Sinimulan ng Globe ang pag-block sa SMS na may clickable URLs noong huling linggo ng September bilang tugon sa lumalawak na reklamo hinggil sa dumaraming spam at scam messages, partikular ang mga naglalaman ng buong pangalan ng mobile users.
Ang hakbang ay una sa industriya, kung saan ang Globe ang una at tanging telco na maagap na hinaharang ang lahat ng person-to-person SMS na may clickable links. Patuloy itong ipatutupad hanggang sa maging epektibo ang SIM Registration Act.
Samantala, naitala ng Globe ang bagong record sa na-block na spam at scam messages, na may kabuuang bilang na 1.3 billion mula from January hanggang September. Nahigitan nito ang 2021 full year (January-December) na 1.15 billion.
Ang monthly total ng na-block na SMS ay tumaas din ng 295.74% sa loob ng 9 na buwan, mula 68.34 million noong January sa 270.5 million noong September.
Sa ilalim ng bagong security measure, ang lahat ng person-to-person SMS na may clickable links mula sa lahat ng networks ay iba-block. Dahil dito ay napilitan ang mga scammer na maghanap ng mga bagong paraan para isagawa ang kanilang scam messages, nagpapakita lamang na naging epektibo ang blocking measure.
“We reiterate our call on our customers to remain vigilant as fraudsters will continue to find ways to circumvent measures that aim to thwart them. Do not engage with SMS from anonymous sources making enticing offers,” ani Bonifacio.
Sa kasalukuyan ay gumastos na ang Globe ng $20 million o P1.1 billion para paigtingin ang spam at scam SMS detection at blocking system nito. Samantala, walang humpay ang pagtatrabaho ng Security Operations Center ng Globe para ma-filter out ang scam messages na ito, kabilang ang app-to-person at person-to-person SMS ng international at domestic sources.