Nagdulot ng malaking epekto sa mental health ng mga tao ang COVID-19. Kaya habang ipinagdiriwang ng Pilipinas at ng mundo ang mental health sa buwan ng Oktubre, ipinakikita ng Globe sa mga Pilipino na hindi sila nag-iisa sa laban na ito.
“Gaya ng pag-aalaga natin sa ating katawan, kailangan din nating alagaan ang ating emotional well-being. Sinisikap naming abutin ang mas maraming Pilipino para ipaalala sa kanila na may mga plataporma na maaari nilang gamitin sa oras ng pangangailangan,” pahayag ni Yoly Crisanto, Globe Chief Sustainability Officer at SVP for Corporate Communications.
Sa tulong ng #PlantHappinessPH mental health campaign, hinikayat ng Globe ang lahat na hanapin ang saya sa mga simpleng bagay. Sa ngayon, nakatanggap na ang kampanya ng higit sa 1,400 videos at nagkaroon na ng 264.9 M views sa TikTok.
Gamit ang musical score na “Better Days 2.0” ni Quest, inilagay ng #PlantHappinessPH ang spotlight sa pagsasayaw at pagtatanim para mabawasan ang stress at anxiety. Sinikap nitong ipalaganap ang tuwa at saya para isulong ang pag-asa, gaano man kahirap ang buhay.
Nakibahagi rin ang Globe sa “Light Up Blue for Mental Health!” ng National Mental Health Week at Philippine Mental Health Association sa pamamagitan ng pagsindi ng lobby chandelier sa corporate headquarters ng Globe. Ipinaalala nito sa mga tao na hindi sila nag-iisa sa kanilang mental health journey sapagkat sa bawat sulok ng mundo ay mga kuwento ng pag-asa.
Samantala, inimbita ng KonsultaMD ang ilan sa mga pinakasikat na artista sa bansa para sa isang concert na pinamagatang “Be Kind to Your Mind” noong Oktubre 9. Ito ay bahagi ng campaign ng KonsultaMD para ipalaganap ang kamalayan tungkol sa kahalagahan ng mental health.
Bahagi rin ng campaign ang promo kung saan ang mga customer ay maaaring makakuha ng libreng health plan for one month na may 24/7 unlimited access sa mga doktor ng KonsultaMD hanggang Oktubre 31. Para ma-avail ang promo, i-download ang KonsultaMD app at gamitin ang voucher code BEKINDTOYOURMIND.
Nauna rito, nakipagtulungan din ang Globe sa Department of Education para sa TAYO Naman! (Tulong, Alaga, Yakap at Oras para sa mga Tagapagtaguyod ng Edukasyon) program. Ito ay isang online na Mental Health and Psychosocial Support para sa lahat ng education advocates, kabilang ang mga guro, non-teaching personnel, at mga magulang.
Nakikipag-ugnayan din ang Globe sa maraming organisasyon para hikayatin ang mga taong dumaranas ng mga mental health issues na humingi ng tulong. Kabilang dito ang HOPELINE na nag-aalok ng libreng suporta 24/7 sa pamamagitan ng 2919 (toll-free para sa lahat ng Globe at TM subscribers), (02) 804-HOPE (4673), o 0917 558 HOPE (4673).
Ang HOPELINE ay makikita rin sa app ng telehealth service integrator na HealthNow. Ang mga subscribers ng Globe at TM ay maaaring agad na tumawag sa HOPELINE nang LIBRE anumang oras na gusto nila.
Ang World Mental Health Day ay isang proyekto ng World Health Organization. Ito ay ipinagdiriwang tuwing Oktubre 10 para isulong ang kamalayan sa mga isyu tungkol sa mental health sa buong mundo.
Sinusuportahan ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals, partikular ang UN SDG No. 3, sa pagbibigay ng mabuting kalusugan at kagalingan, at SDG No. 9 na nagha-highlight sa mga tungkulin ng imprastraktura at innovation bilang mahalagang mga driver ng paglago at pag-unlad ng ekonomiya. Nakatuon ang Globe na itaguyod ang mga prinsipyo ng United Nations Global Compact at mag-ambag sa 10 UN SDGs.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Globe, bisitahin ang www.globe.com.ph/about-us/sustainability.html.