Nakapag-ambag ang nangungunang digital solutions platform Globe ng milyon-milyong pisong halaga ng tulong sa mga pamilya at komunidad na naapektuhan ng Bagyong Odette, na nanalanta sa ilang bahagi ng bansa noong Disyembre.
Nakakolekta ang Globe ng kabuuang P36.7 million na halaga ng donasyon para sa kagyat na tulong sa mahigit 16,000 pamilya, at hinayaan ang Globe, TM, at GOMO customers na makalikom ng mahigit P2.9 million pang halaga ng ayuda para sa mga biktima ng bagyo.
Ang Globe, sa pamamagitan ng ground teams nito, ay nagkaloob ng tulong sa 5,094 pamilya sa mga komunidad sa Palawan, Butuan, Cagayan de Oro, Camiguin, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Bohol, Cebu, Iloilo, Negros Occidental and Oriental, at Southern Leyte.
Sa tulong ng partner organizations tulad ng Ayala Foundation, GMA Kapuso Foundation, at Rise Against Hunger Philippines, ang Globe ay nagbigay rin ng relief at support para sa 11,777 pamilya sa mga apektadong lugar.
Naglagay rin ang Globe ng mahigit 130 Libreng Tawag at Libreng Charging sites sa mga apektadong rehiyon upang matiyak na ang typhoon survivors ay mananatiling connected sa kanilang mga mahal sa buhay.
Gayundin ay patuloy ang technical teams ng kompanya sa restoration work para maibalik sa normal ang mga serbisyo sa mga nalalabing apektadong lugar.
“We know that this is still a difficult time for our kababayans. Typhoon Odette hit the country last December, but its effects are still being felt to this day. We want our customers to know that we are doing everything we can to serve and extend help in the affected communities,” sabi ni Yoly Crisanto, Globe Chief Sustainability Officer and SVP Group Corporate Communications Officer.
Ang mga sumusunod ay ang iba pang tulong na ipinagkaloob ng Globe sa Odette-hit communities:
- Libre at unlimited GoWifi services sa mga piling malls, airports at government offices
- Discounted promos at free 1-month subscription sa telehealth provider KonsultaMD para sa Globe at TM customers
- Tatlong araw na libreng 5 GB connectivity para sa 107,000 Globe At Home Prepaid WiFi customers
- 1 month free KonsultaMD subscription para sa 147,000 broadband customers
- Reseeding ng unused at expired load para sa Globe Business prepaid customers
- Extended payment due dates para sa apektadong Globe Business, Globe At Home, Globe Platinum, at Globe Postpaid mobile customers, kasama ang Financial Care Program
- Bill rebates para sa severely affected customers
- Relief fund access sa mahigit 200 businesses
- Priority access sa customer hotline para sa 86,000 Globe At Home Postpaid subscribers
- After-sales fast lane access para sa Globe Business customers
- Broadcast messaging service support para sa 83 typhoon-hit localities at MSMEs sa loob ng isang buwan via M360