
Pinalalakas ng Globe ang kanilang estratehiya sa pakikipag-ugnayan sa mga customer sa pamamagitan ng mabilis na pagbubukas at pagpapalawak ng mga pisikal na tindahan sa mga pangunahing lokasyon sa buong bansa. Ipinakikita nito ang pagtutok ng kompanya sa paghahatid ng mas magandang karanasan sa mga customer na patuloy na mas gusto ang face-to-face interactions.
Bagama’t ang Globe ay nananatiling lider sa digital-first service, patuloy itong namumuhunan sa pisikal na presensiya upang matiyak na ang mga customer ay may access sa expert support, device upgrades, at walang patid na tulong kung saan sila nakatira at nagtatrabaho.
Ang omnichannel na pamamaraan na ito ay sumasalamin sa customer-first ethos ng Globe sa pamamagitan ng paghahalo ng teknolohiya at personal na pakikisalamuha upang makapaghatid ng makabuluhang pakikipag-ugnayan sa bawat hakbang.
“Our true North Star is the customer,” wika ni Globe President and CEO Carl Cruz. “Whether they are online or offline, we will be there for them. We will continue to study where our customers truly need us for face-to-face interaction and we’ll meet them there.”
Kamakailan ay muling binuksan ng Globe ang upgraded store nito sa Robinsons Manila, ngayon ay muling dinisenyo upang mag-alok ng mga pasadyang in-store experiences, mula sa frontline service support hanggang sa lifestyle-driven mobile at broadband solutions. Ang tindahan ay sumasalamin sa hangarin ng Globe na makipag-ugnayan nang personal, kahit na sa malaking bilang.
Sa regional areas, pinalalawak ng Globe ang access sa pamamagitan ng mga flexible na format ng tindahan na nagbibigay-kapangyarihan sa mga lokal na komunidad at micro-entrepreneurs. Kinabibilangan ito ng Globe Microshop sa Boracay at ng TM Tindahan sa Vigan, parehong nakapaloob sa mga sari-sari store upang direktang makapaghatid ng connectivity services sa mga komunidad.
Ang pinakahuling nadagdag ay ang TM Tindahan sa Sorsogon City, na matatagpuan sa QCL Building, M. Santos Street, Polvorista. Nasa puso ng culturally rich at ecologically vibrant province na ito, ang tindahan ay nag-aalok ng Globe at TM products at services tulad ng AMAX retailer SIMs, 5G-ready phones, postpaid applications, broadband plans, at GCash cash-ins—closer sa mga residente, na nag-aalis sa pangangailangan na maglakbay nang malayo upang makakuha ng suporta.
“With TM Tindahan, our goal is to create convenient, in-community touchpoints that bridge gaps in product access while helping our customers stay connected and supported,” ayon kay Cruz.
Higit pa sa pangunahing serbisyo, nagsisilbi rin ang tindahan bilang isang testbed para sa mga piniling alok na naaayon sa mga pangangailangan at paraan ng pamumuhay ng komunidad sa Sorsogon, pinalalakas ang papel ng Globe bilang isang digital na katuwang sa araw-araw na buhay ng mga Pilipino.
Sa Visayas, inilunsad ng Globe ang isang pop-up store sa Bohol, dinisenyo bilang isang hub para sa next-generation digital solutions at in-person service delivery.
Ang mga pagsisikap na ito ay nagsusulong sa mas malawak na pagbabago ng Globe tungo sa isang full-service digital solutions platform kung saan pinagsasama-sama ang pagkakaunawaan, inobasyon, at accessibility upang makabuo ng pangmatagalang ugnayan sa mga customer.
“We’re not just delivering products, but we’re building stronger relationships with our customers and stakeholders nationwide,” dagdag pa ni Cruz. “It’s about earning the right to stay relevant in the daily lives of Filipinos, one personalized interaction at a time.”









