
Pinalakas ng Globe ang network innovation nito sa pamamagitan ng paggamit ng Free Space Optics (FSO), isang cutting-edge laser technology na naghahatid ng fiber-like internet speeds na hindi na kailangan ng kable.
Sa pamamagitan ng shared services arm nito na Fiber Infrastructure and Network Services Inc. (FINSI), ang Globe ay nakipagtulungan sa Singapore-based Transcelestial Technologies upang ipalaganap ang solusyong ito sa buong bansa, na nagpapalakas sa network transport at broadband capacity ng bansa.
Ang FSO ay gumagamit ng laser light beams upang mag-transmit ng data sa pamamagitan ng hangin, na nagpapahintulot sa Globe na magtayo ng high-speed at maaasahang koneksiyon nang mabilis, maging sa mga lugar kung saan mahirap at matagal ang paglalagay ng fiber cables.
Ito ay dahilan para maging kanais-nais ito sa pagpapalawak ng broadband at 5G-ready infrastructure sa mas maraming komunidad.
Noong August 2025, ang Globe at Transcelestial ay lumagda sa isang kasunduan upang pabilisin ang paggamit ng wireless laser communication sa buong Pilipinas. Ang partnership ay kinabibilangan ng deployment ng Centauri laser devices ng Transcelestial para sa last-mile connectivity, mobile backhaul, at event-based network requirements.
Tinutuklas din ng Globe ang Legolas long-distance laser links ng Transcelestial na maaaring mag-transmit ng data sa mga distansiya na hanggang 15 kilometers, hinihintay ang matagumpay na testing sa 2026.
Napatunayan na ng teknolohiya ang pagiging maaasahan nito sa mga naunang pilot projects sa Visayas at Mindanao, pati na rin sa malalaking kaganapan tulad ng sa Philippine Arena noong 2024, kung saan pinatakbo ng mga device ng Transcelestial ang Cell Site on Wheels ng Globe na may seamless high-speed connectivity.
Mula sa pilot hanggang sa standard technology
Ang FSO ay hindi na lamang isang pagsubok para sa Globe. Ito’y bahagi na ngayon ng standard network infrastructure nito kasama ang fiber.
“Free Space Optics is no longer a pilot for Globe. It is now one of our standard transport solutions,” sabi ni Gerhard P. Tan, Senior Director and Head of Technology Strategy and Innovations at Globe. “By integrating Transcelestial’s technology into our regular network deployments, we can strengthen our mobile backhaul and deliver high-speed internet to more Filipinos, faster.”
Bakit mahalaga ang FSO
● Mas mabilis na deployment ng high-speed connections na walang major civil works
● Multi-gigabit speeds na katulad sa fiber
● Flexible coverage para sa mahirap maabot o underserved sites









