Globe sa mga customer: Mag-ingat sa phishing emails

Pinag-iingat ng nangungunang digital solutions platform Globe ang mga customer nito laban sa bagong scam na nagpapakalat ng phishing email na naglalayong makapagnakaw ng sensitibong impormasyon.

Ginagaya ng email ang official communication ng Globe sa SIM Registration na nagkukunwaring tutulungan ang mga subscriber. Ang kawit ng scam ay ang babala na hindi naging matagumpay ang SIM registration. Inaatasan pa nito ang mga customer na “Please click (link) to register again. Reprocess your registration after three days to avoid total deactivation of your SIM.”

“We’ve become aware of such deceptive communications and we strongly advise our customers to ignore and block these messages, which are a malicious misuse of the new SIM Registration Act,” wika ni Globe’s Chief Information Security Officer Anton Bonifacio.


Layon ng Republic Act 11934 o ang SIM Registration Act na tugunan ang fraud at iba pang anyo ng cybercrime at maging responsable sa paggamit ng  SIM.

Inaatasan ng batas ang mga kasalukuyang user na iparehistro ang kanilang SIMs sa pinalawig na deadline sa July 25, 2023 para makaiwas sa deactivation, habang ang lahat ng bagong SIM users ay inaatasang  magparehistro bago ma-activate ang kanilang SIMs.

Ang Globe ay lubusang sumusuporta sa batas at nagtayo ng robust systems para mapadali ang sistema. Inaalerto nito ang mga customer para eksklusibong iparehistro ang kanilang SIMs sa pamamagitan ng GlobeOne app, ang Globe SIM registration microsite sa https://new.globe.com.ph/simreg,  o sa pamamagitan ng GCash app para sa mga may fully verified GCash accounts. Maaari ring magpatulong sa pagpaparehistro ang mga Globe customer sa Globe Stores at EasyHubs.

Nanawagan si Bonifacio sa mga customer na iparehistro ang kanilang SIMs sa pamamagitan lamang ng official SIM registration platforms ng Globe.

“These are our only accredited channels for SIM registration. If you receive any message related to SIM registration, always verify its origin and refrain from clicking any suspicious links,” pagbibigay-diin ni Bonifacio.

Hinihikayat din ng Globe ang mga customer nito na i-report ang mga kaduda-dudang mensahe o aktibidad via Stop Spam portal nito.

Bilang responsableng digital solutions platform, ang Globe ay nakatuon sa  pagsangga sa mga customer nito mula sa naturang scams at hinihikayat ang bawat isa na manatiling mapagbantay.

Muling nananawagan ang Globe sa mga unregistered customer na sumunod sa batas. Hanggang June 7, ang Globe ay nakapagtala na ng mahigit 45.252 million SIM registrations, o halos 94.92 percent ng active subscriber base nito.

Facebook Comments