Manila, Philippines – Umabot sa 135 indibidwal ang sumali sa Globe Telecom’s future makers program para malabanan ang kahirapan sa bansa, maresolba ang isyu sa climate change, peace, security, edukasyon at iba pa sa tulong ng teknolohiya.
Ayon kay Globe SVP for Corporate Communications Yoly Crisanto, madami ang nakiisa dahil mataas na ang interes ng mamamayan lalo na pagdating sa ibat-ibang social issues.
Nitong Marso, inilunsad sa buong bansa ang nasabing programa kung saan kabilang ang Cagayan, Bulacan, Nueva Ecija, Cebu, Davao at Cagayan de Oro na unang nagsumite ng kanilang prototype at makabagong solusyon sa mga nasabing isyu at usapin.
* DZXL558*
Facebook Comments