Globe telecom, humingi ng paumanhin

Humingi ng paumanhin ang Globe Telecom sa mga customer nito matapos hindi ma-access ang kanilang mobile at internet services sa ilang lugar sa Visayas at katimugang Luzon dahil sa pananalasa ng Bagyong Ursula.

Ayon sa Globe – patuloy ang pagsisikap ng kanilang mga tauhan para maibalik agad ang kanilang serbisyo sa mga naapektuhang lugar.

Nakikiisa sila sa sambayanang Pilipino sa pananalangin sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo nitong Pasko.


Facebook Comments