Marawi City – Simula ngayong araw ay may libreng text at tawag ang Globe para sa kanilang mga customers sa Marawi City.
Ang Globe ay nakipag-ugnayan sa Armed Forces of the Philippines at Department of Information and Communication Technology para maisakatuparan ang kanilang libreng serbisyo sa Marawi City.
Ang libreng text sa lahat ng networks at free calls to globe and TM ay sisimulan ngayong araw na magtatagal ng labing limang araw.
Nais nang Globe na makatulong sila sa mga sundalong matagal nang nakikipagsagupa sa Maute Terror Group sa Marawi City upang mabilis silang makipa-communicate sa kanilang mga pamilya.
Sinabi ni DICT Secretary Rodolfo Salalima na napapanahon ang benepisyong ito sa mga taga marawi lalo na sa mga sundalo doon upang madali ang komunikasyon sa lugar.
Sa parte naman ng mga sundalo sinabi ni Major General Jose Tanjuan Jr., ang AFP Deputy Chief of Staff for Communications, Electronics and Information Systems na nakaka-high morale ang prebelihiyong ito sa kanilang hanay lalo na sa mga sundalo.
Malaki rin daw ang maitutulong nito sa mga sibilyang nanatili pa rin sa Maraw City na may problema sa komunikasyon para ma makita o makasama ang kanilang pamilya.
Upang masimulan ang libreng serbisyo ng Globe, lahat ng Globe at TM prepaid customers sa Marawi City ay makakatanggap ng text message ngayong araw para bigyan ng impormasyon na sila ay makaka-avail ng free promo.