Globe telecom, mas pinalawig ang free mobile service sa Marawi City

255

Manila, Philippines – Pinalawig ng globe telecom ang free mobile service sa Marawi City hanggang July 20, 2017.

Napagkasunduan kasi ng globe telecom, AFP at Department of Information and Communication Technology (DICT) ang pagpapalawig ng libreng tawag at text sa globe at tm para sa patuloy na komunikasyon ng mga residente at sundalong sumasabak sa giyera sa kani-kanilang mga pamilya.

Samantala, maayos ang operating system ng globe sa ilang lugar na tinamaan ng 6.5 magnitude na lindol sa Jaro, Leyte.


Naglagay din ang globe ng mga generator sa mga lugar na nawalan ng commercial power.

Patuloy din na inoobserbahan ng globe technical team ang network para matiyak na magiging normal ang opersayon sa lahat ng mga site.

Facebook Comments