Globe Telecom, nagsagawa ng road show para magturo ng digital marketing

Manila, Philippines – Nagsagawa ang Information and Communications Technology (ICT) ng Globe Telecom ng road show para sa mga logistics company sa bansa kamakailan.

Ito ay para turuan ang mga kompanya ng digital marketing kung paano nila lubusang magagamit ang kanilang mga resources at maabot ang kanilang target audience.

Ayon sa globe mas mapapadali at mapapaganda pa lalo ang serbisyo ng mga nasabing logistics company kung updated ang kanilang mga software at mga apps na ginagamit.


Aabot sa dalawamput limang kompanya ang lumahok sa road show na ginanap sa globe tower sa Bonifacio Global City, Taguig.

Facebook Comments