Globe Telecom, patuloy na humahakot ng parangal

Manila, Philippines – Patuloy na humahakot ng parangal ang Globe Telecom dahil sa patalastas (advertisement) nitong “Rogue One: A star wars story na pinamagatan na “Mask”.

Ito ay matapos na manalo ang Globe Telecom sa presteryosong brand film festival sa New York, sa kidlat creative awards at sa katatapos lamang na panata award at pagtanggap ng anim na award mula sa Asia-Pacific Tambuli Awards 2017.

Ibinahagi ng globe ang istorya ng isang batang babae na fan ng Starwars, na tinatago ang kanyang karamdaman sa likod ng maskara ni storm trooper, na hinuhugutan niya ng lakas ng loob para harapin ang ibang tao na maari siyang husgahan sa kanyang sakit.


Sa kampanyang #createcourage, hinikayat ang mga netizen na gumawa ng paraan para makatulong para magbigay ng donasyon sa rehabilitasyon ng pediatric cancer clinic ng the Philippine General Hospital.

Ayon kay Albert De Larrazabal, Chief Commercial Officer ng Globe Telecom – ang kampanyang ito ang naging dahilan kung bakit patuloy pa silang ng lalagay ng iba’t ibang makabuluhang nilalaman sa internet.

Ang Asia-Pacific Tambuli Awards ay isang pandaigdigang award show na nagpapakita ng epektibong patalastas at nagbibigay parangal sa mga bukod tangging at makataong patalastas.

DZXL558

Facebook Comments