Hindi mo na kinakailangan magtungo ng Cebu o nang bansang Netherland dahil sa La Union maaari mo ng maranasan ang gandang dala ng mga pinagsama-samang bougainvillea.
Ito ay munting regalo ng Pamahalaang Panlalawigan ng La Union sa mga residente , maging sa mga turistang interesadong dumayo sa probinsya.
Matatagpuan ito sa Orros Park, San Fernando, La Union Capitol Grounds.
Makikita rito ang tunnel of fairies na maghahatid sa’yo patungo sa higit 3000 glowing bougainvillea flowers.
Tampok rin ang mga overgrown flowers, at Fairy Godmother Christmas tree na makikita sa harapan ng kapitolyo.
Enjoy na enjoy ang mga bumibisita sa lugar sa kakaibang pakulo ng naturang probinsya ngayong pasko.
Ang kakaibang pailaw sa Pasko sa La Union ay patuloy na nagiging usap-usapan sa social media, at inaasahan na magiging isang paboritong destinasyon para sa susunod pang taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨