Angadanan, Isabela – Pagkatapos ng limang rounds ay may limang puntos na si Grandmaster Rogelio Antonio Jr.
Ito ay pagkatapos niyang talunin si Mc Dominique Lagula sa 5th round ng kasalukuyang National Chess Tournament sa Angadanan, Isabela.
Ang laro ay kasalukuyang ginaganap sa community center ng naturang bayan.
Ang torneo na nahati sa dalawang kategorya ay nakaformat sa 9 round swiss system sa open at 7 rounds swiss system sa kiddies category.
May natitira pang apat na round sa open category upang malaman kung sino sa mga kasalukuyang nangunguna ang makakakuha ng top prize na P 40, 000.00.
Kasalukuyang nasa top board sina International Master Chito Garma at Barlo Nadera, Grandmaster Darwin Laylo, FIDE Master Roel Abelgas, FIDE Master Austin Literatus, National Master David Elorta, Jerry Arigue at Sherwin Tiu.
Sa panig naman ng kiddies division ay nasa top board ngayon sina Jeremy Martico at Johhn Lance Valencia sa 4th round sa pitong rounds ng kiddies division.
Ang torneo ay inorganisa ng Vice Mayor’s League of Isabela sa pamamagitan ng kanilag pangulo na si Angadanan Vice Mayor Diosdado Siquian, NCFP, CEFAG at . DWKD RMN Cauayan