GM Gonzales nasa ika-9 na puwesto sa International Chess Tournament sa Espanya

Espanya – Nanatiling nasa top 10 pa rin si Grandmaster Jayson Gonzales sa ginaganap na XLI Open Internacional de Barbera del Valles Chess Tournament sa Espanya.

Ito ay kahit nauwi sa tabla ang bakbakan nina Gonzales at GM Stella Andrea ng Italya sa 6th round ng torneo.

Dahil dito may 4 points na si Gonzales para somosyo sa ika-siyam hanggang ika-dalawampung puwesto sa leader board.


Hindi naman pinalad si GM Eugene Torre na natalo naman kay IM Asis Gargatagli Hipolito ng Espanya.

May 3.5 points ang Asia’s first GrandMaster.

Tumabla naman si WGM Janelle Mae Frayna kay Deepak Katiyar ng India para umakyat sa 3 points kasama si IM John Marvin Miciano na natalo naman kay Adrian Jimenez ng Espanya.

Facebook Comments