Isa sa mga hinuli at dinala sa Amoranto Sports Complex sa Quezon City dahil sa paglabag sa quarantine protocols ay ang beteranong mamamahayag na si Howie Severino.
Nai-post pa sa social media ang larawan ni Severino na kabilang sa binigyan ng isang “short seminar on proper use of face masks in public.”
Si Severino ay galing sa pagbibisikleta at huminto sa isang bike shop sa Mother Ignacia para bumili ng softdinks.
Nang magbaba siya ng face mask para inumin ang softdinks ay dito na siya hinuli ng mga tauhan ng Department of Public Order and Safety (DPOS).
Si Severino ay kalalabas lang sa ospital matapos makarekober sa COVID-19.
Sa isinagawang operasyon, daan-daang mga residente ang inaresto kabilang na ang mga senior citizen at menor de edad mula sa Batasan Hills , dahil hindi nakasuot ng face mask, kawalan ng physical distancing at hindi awtorisadong lumabas ng bahay.
Ang Batasan Hills ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19.