Nakalusot na sa House Committee on Basic Education and Culture ang panukala na ibalik at isama sa pag-aaral ang Good Manners and Right Conduct (GMRC) sa mga batang mag-aaral sa lahat ng mga paaralan sa bansa.
Ang GMRC ay ituturing na hiwalay na asignatura na ituturo mula Kinder hanggang Grade 3.
Ituturo sa mga estudyante sa ilalim ng GMRC ang paglinang ng kagandahang asal at pagiging magalang ng mga kabataan.
Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, isa sa mga naghain ng GMRC Act of 2019, kinakailangan ngayon na maibalik ang core values at moral standards sa mga kabataan lalo’t lantad ang mga ito sa paggamit ng internet na nagiging source nila ng disinformation.
Marapat lamang aniya na ibalik at manatili sa mga kabataang Pilipino ang Etiquette at Moral Uprightness sa kabila ng pagiging moderno ng panahon.
Dagdag pa ng Speaker, hindi dapat kinakalimutan ng mga kabataan ang kanilang paggalang sa pinagmulan, sa mga matatanda, ang kanilang divine purpose at tungkulin sa bayan.