GMRC Law, nilagdaan na ni Pangulong Duterte

Ipinagpasalamat ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na magkakaroon na uli ng Good Manners and Right Conduct (GMRC) classes mula kinder hanggang senior high school.

Ayon kay Zubiri, ito ay makaraang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ang Republic Act 11476, o GMRC and Values Education Act.

Umaasa si Zubiri na matatapos ng Department of Education (DepEd) ang implementing rules and regulations nito bago magbukas ang klase sa August 24, 2020.


Para kay Zubiri, napapanahon ang muling pagpaloob ng GMRC and Values Education program sa K-12 curriculum.

Diin ni Zubiri, ang strong moral codes ay kailangan ng mga mag-aaral sa kanilang pagtahak sa mundo ng teknolohiya na siyang magiging paraan ng pagtuturo upang maproteksyunan sila sa COVID-19.

Facebook Comments