GMSM nagsagawa ng Medical Mission sa General Salipada K. Pendatun

Libong indibidwal ang muling nakabiyaya ng Medical and Dental Mission mula sa Provincial Government ng Maguindanao.
Kinabibilangan ng free consultation,free eye glasses, tooth extraction at tuli ang isinagawang Medcap sa bayan ng General Salipada K. Pendatun.
Nakabiyaya rin ang mahigit sa limang daang indibidwal sa Feeding Program habang nagpaabot rin ng 10 wheelchair ang PGO .
Bukod sa Medcap, nasa 300 armchairs din ang ipinagkaloob ng PGO sa bayan ng GSKP.
Nagpapasalamat naman si GSKP Mayor Mayor Rafsanjani Pendatun Ali sa tulong na ipinaabot sa kanyang mga kababayan ng Gobyernong may Malasakit sa Maguindanao na pinagungunahan ni Governor Bair Mariam Sangki Mangudadatu.
Matatandaang kabilang sa prayoridad ni GMSM ang kalusugan at edukasyon ng kanyang mga kababayan.
PGO Pic

Facebook Comments