
Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez, Jr., ang lahat ng mga police units nito sa buong lugar sa bansa na magbigay ng emergency Go bags sa kani-kanilang mga tauhan.
Kasunod ito ng mga serye ng ibat-ibang sakuna na naranasan sa bansa nitong mga nakaraang araw.
Ayon kay Police Lietenant General Nartatez, magkakaroon ng phases ang implementasyon ng nasabing programa para mapalawig ang available logistics at resources ng ahensya.
Dagdag pa nya, iniutos na rin nya kung magkano ang halaga ng kabuuang Emergency Go Bags na kakailangan at kung saan huhugutin ang pondo para maisagawa ang nasabing programa.
Ayon pa kay Nartatez, hindi lang ito usapin ng pondo kundi ang kahandaan ng pulisya sa pagtugon sa anumang hamon o kalamidad.
Matatandaan na nauna nang pinasimulan ng PNP Public Information Office ang nasabing pamamahagi ng mga go bags sa mga personnel nito.









