GO BAGS MULA SA DOST 1 PARA SA KALAMIDAD, IPINAMAHAGI SA TATLONG BARANGAY SA BAYAN NG MAPANDAN

Upang mapalakas ang paghahanda at pagtugon sa kalamidad tatlumpong residente mula sa tatlong (3) barangay-beneficiaries ang nakatanggap ng Emergency Go Bags mula sa Department of Science and Technology Region I (DOST I) sa pamamagitan ng Community Empowerment thru Science and Technology sa bayan ng sa Mapandan.
Ang Go Bags o Emergency Disaster Kit ay isang kit na naglalaman ng mga pangunahing suplay na kailangan sa panahon ng emergency tulad ng bagyo, pagbaha, lindol, at iba pang kalamidad kung saan naglalaman ito ng pagkain, damit, kama, first aid kit, personal protective equipment, teknikal na kagamitan, survival kit, document holder, at mga toiletries.
Nagpapasalamat ang alkalde ng Mapandan na si Mayor Karl Christian Vega sa DOST I sa patuloy na suporta sa munisipyo.

Aniya, kahit hindi sila direktang naapektuhan ng nagdaang bagyong Betty, ang mga Go Bag na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa kanilang mga nasasakupan kung sakaling magkaroon ng emergency at magagamit sa mga evacuation center.
Dinaluhan ang aktibidad ng mga kawani ng LGU-Mapandan, gaya ng MDRRMO, mga benepisyaryo at mga PSTO-Pangasinan staff.
Ang pamamahagi ng mga emergency go bag ay bahagi ng Disaster Risk Reduction and Climate Change Mitigation area sa ilalim ng CEST Program sa munisipyo. |ifmnews
Facebook Comments