Manila, Philippines – Ayaw munang pag-usapan ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go ang issue ng halalan.
Ito ang sinabi ni Go sa harap na rin ng panawagan ng ilang opisyal ng administrasyon na ito ay tumakbo para sa pagkasenador sa susunod na taon.
Sa isang mensahe na ipinadala ni Go sa media ay sinabi nito na masyado pang maaga para pagusapan ang halalan.
Ang mahalaga aniya ngayon ay tutukan niya ang pagtupad sa mga ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte para maiangat ang buhay ng mga Pilipino.
Ikinatutuwa din naman niya ang endorsement ng ilang kasama sa gabinete lalo na si Agriculture Secretary Manny Pinol na naglabas ng isang artikulo sa kanyang Facebook page, kung saan inilatag nito ang mga katangian ni Go kung bakit dapat ito maging isang Senador.