Go-Sara tandem, inendorso ni Pangulong Duterte

Tambalang Senator Bong Go at Davao City Mayor Sara Duterte ang inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ginanap na dinner kagabi sa Palasyo kasama ang mga kongresista.

Kinumpirma ito ni DIWA Partylist Rep. Michael Aglipay.

Nakipag-ugnayan aniya ang MalacaƱang sa tanggapan ni Speaker Lord Allan Velasco noong Lunes para imbitahan ang mga kongresista sa dinner.


Dito ay nagpahayag ng pasasalamat ang presidente sa mga mambabatas kasabay ng pag-endorso sa Go-Sara tandem.

Samantala, wala namang miyembro ng partido LAKAS-CMD sa Kamara ang imbitado sa nasabing hapunan.

Facebook Comments