Go signal ng DICT para sa online precinct finder sa BSKE, inaantabayanan pa ng COMELEC

Dahil sa sunod-sunod na insidente ng hacking sa ilang ahensya ng gobyerno kamakailan, hindi pa inilalabas ng Commission on Elections (COMELEC) ang precinct finder para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa website nito.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, hinihintay pa nila ang permiso mula sa Department of Information and Communications Technology (DICT) kung maaari na nilang ilabas ang precinct finder para sa BSKE.

Target sana ng Comelec na i-publish ang precinct finder noong nakaraang linggo, pero naantala ito dahil sa umano’y hacking incident sa PhilHealth at iba pang ahensya ng pamahalaan.


Ani Garcia, magiging malaking problema kasi kung mahahack ang precinct finder dahil nakasalalay rito ang impormasyon ng maraming botante.

Nabatid na mayroong kabuuang 92 million na botante para sa BSKE 2023, kung saan 68 million dito ang regular voters at 24 million naman ang SK voters.

Facebook Comments