Go signal ng gobyerno, hinihintay ng pribadong sektor para sa pagbabakuna ng mga bata

Hinihintay na lamang ng pribadong sektor ang go signal ng pamahalaan, upang masimulan na rin nila ang pagbabakuna sa mga menor de edad na anak ng kanilang mga empleyado.

Pahayag ito ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, ilang araw bago ang opisyal na pagsisimula ng pagbabakuna sa mga kabataang nasa edad 12 – 17 taong gulang, sa unang walong ospital sa Metro Manila.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi nito na karamihan sa mga kawani ng pribadong sektor at pamilya ng mga ito ay tapos nang mabakunahan.


Ang Moderna at Pfizer vaccines aniya na binili ng pribadong sektor ay handa na at nananatili na lamang sa mga storage facilities.

Hinihintay na lamang aniya nilang matapos ang pilot run ng vaccination ng gobyerno para sa mga kabataang mayroong comorbidities, upang payagan na rin sila ng pamahalaan na makapagsimula sa pagbabakuna sa mga kabataan.

Facebook Comments