Goal ni Mike Ott, nagsalba sa Azkals kontra Yemen sa Doha, Qatar

22

Doha, Qatar – Umiskor si Mike Ott sa 89th minute para tumabla ang Philippine Azkals kontra Yemen 1-all sa kanilang Asian Cup Qualifying game sa Al Wakra Stadium sa Doha, Qatar.

Lumamang ang Yemen sa header ni Tawfik Ali sa 63rd minute para malagay sa alanganin ang Azkals.

Naging agresibo ang Azkals na makahabol at maitabla ang laro pero nahirapan sila na basagin ang depensa ng Yemen.

Pero labing isang minuto bago matapos ang laban, naisalpak ng pinakamaliit na player ng Azkals sa pitch ang pinakamalaking strike ng laro.

Ayon kay Ott, hindi maganda ang pakiramdam na naghahabol at mabuti na lamang na nagawa niyang maitabla ang laro.

Para naman kay Coach Thomas Dooley maganda na nakakuha sila ng one point kontra Yemen kesa naman nawalan sila ng tatlong puntos.

Lilipad sa November 14 ang Azkals sa Kathmandu para naman harapin ang Nepal.

Facebook Comments