GOAT FARMING, INILUNSAD SA BAYAN NG SAN QUINTIN

pormal na inilunsad ang isang goat enterprise management sa bayan ng san quintin ng lokal na pamahalaan katuwang ang ahensya ng department of agriculture.
sa pamamagitan ng programang ito, mabibigyan ng pagkakataon ang mga tao sa hanay ng agrikultura na mapag-aralan ang wastong pamamahala sa mga kambing at kalaunay maging ganap itong pangkabuhayan o pagkakitaan ng mga magsasaka sa nasabing bayan.
samantala, higit itong makatutulong sa mga magsasaka dahil ngayon ay kinokonsidera ang goat farming bilang practical business venture na hindi lamang makatutulong sa pandagdag kabuhayan ng mga magsasaka, pati na rin ang pagkakaroon ng mataas na produksyon dito. |ifmnews

Facebook Comments