Cauayan City, Isabela- Humingi ng patawad si Cagayan Governor Manuel Mamba sa mga muslim community kaugnay sa kanyang naging pahayag na kaya maganda ang peace and order sa lalawigan ay dahil walang Muslim.
Sa panayam kay Mamba, hindi niya intensyon ang makasakit ng damdamin ng mga Muslim dahil maganda naman ang ugnayan nito sa mga muslim community sa kanilang lalawigan.
Nilinaw nito na ang kanyang ibig sabihin ay walang ‘extremism’ ang mga muslim sa Cagayan na nakakaapekto sa uspaing pangkapayapaan ng probinsya.
Aniya, hindi lang nabigyang diin ang pagtukoy sa kawalan ng extremist’s kung kaya’t wala naman dapat ikatakot ang mga negosyante.
Giit ng opisyal,nirerespeto nito ang paniniwalang Islam sa usapin ng kapayapaan at hindi ang karahasan.
Sinabi pa niya na malapit ang loob nito sa mga muslim na naninirahan sa Cagayan dahil nang umupo ito bilang Gobernador ay maraming nabigyan ng trabaho sa ilalim ng kanyang panunungkulan.
Pahayag ito ng opisyal kasabay ng isinagawang Senate Committee Hearng kaugnay sa malawakang pagbaha sa Cagayan.
Matatandaang binatikos rin ng maraming bilang ng guro ang pahayag ng Gobernador na walang ginagawa ang mga ito.