GOBERNADOR NG CAGAYAN, NANGAKONG TUTULONG SA PAMILYA NG 11 NASAWI SA ROAD CRASH

CAUAYAN CITY- Tiniyak ni Cagayan Governor Manuel Mamba ang kanilang pagtulong sa mga naulila ng 11 katao na nasawi sa banggaan ng bus at pick-up sa Barangay Ayaga, Abulug, Cagayan noong ika-11 ng Hulyo.

Aniya, inatasan na nito ang pamunuan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) upang bisitahin ang kaanak ng mga biktima upang maibigay ang kaukulang tulong sa mga ito.

Magugunita na ang mga biktima ay pawang mag kakamag-anak at pauwi na sana mula sa dinaluhang lamay nang maganap ang karumal dumal na aksidente.


Patuloy naman ang ginagawang pagpupulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan upang mapag usapan pa ang mga nararapat na gawin upang maiwasan ang madalas na aksidente sa lalawigan.

Kaugnay nito, mahigpit naman na nagpaalala ang Ama ng lalawigan na maging maingat at responsable sa paggamit ng pampublikong lansangan nang sa gano’n ay makaiwas sa aksidente.

Facebook Comments