Gobernador ng Cebu, nababahala sa pagkakadawit ni police Superintendent Nobleza sa Abu Sayyaf Group

Cebu, Philippines – Ikinabahala ni Cebu Governor Junjun Davide ang pagkakahuli ng isang babaeng police official matapos idawit sa grupong Abu Sayyaf members na patuloy na pinaghahanap ng militar at kapulisan sa bayan ng Clarin sa lalawigan ng Bohol.

Kaugnay nito may panawagan si Davide sa pulisya na mag-imbistiga sa kanilang hanay bilang bahagi ng internal cleansing sa PNP upang masigurado na wala nang ibang mga miyembro na may kaugnayan sa Abu Sayyaf.

Nahuli ng mga otoridad si Supt. Maria Cristina Nobleza, Deputy Regional Director ng PNP Crime Laboratory sa Davao at tatlong kasamahan pa nito matapos iugnay sa Abu Sayyaf Group.
DZXL558


Facebook Comments