Manila, Philippines – Hindi lamang si Quezon City Vice mayor Joy Belmonte ang nakatikim ng batikos mula sa mga magulang at estudyante dahil sa late na pagdedeklara ng suspensyon ng klase.
Maging si Laguna Gov. Ramil Hernandez ay inulan ng batikos matapos na alas otso na ito kaninang umaga nang magdeklara ng suspensyon ng klase sa lalawigan.
Halos lahat kasi ng mga estudyante ay nasa eskwelahan na nang mag-post ito ng advisory kanina
Bunga nito, itinuloy na lamang ng mga pribadong eskwelahan sa Laguna ang klase.
Ilan naman sa private schools ay tanghali na nagpauwi ng mga estudyante habang ang iba ay alas dos na ng hapon nag-dismiss ng klase.
Samantala sa bahagi ng Laguna at Cavite ay wala namang naitalang mga pagbaha o mga kalsadang isinara dahil sa flashflood.
Wala ring mga umapaw na creek o ilog bagamat bahagyang tumaas ang level ng mga tubig.