Gobernador ng Lanao Del Sur, tiniyak na wala ng ibang pang miyembro ng Maute Group na nakakalat sa karatig lalawigan bukod sa Marawi City

Manila, Philippines – Tiniyak ni Lanao Del Sur Vice Gov. Mamintal Adiong Jr. na nananatili lang sa Marawi City ang problema hinggil sa Maute Group.

Sabi ni Adiong, hindi naman na kasi kumalat pa sa karatig lalawigan ang inihasik na terorismo ng naturang grupo.

Aniya, wala pang naiulat na kahalintulad na karahasan o pagpasok ng mga terorista sa ibang bayan kung saan nagsilikas ang mga taga-Marawi.


Dagdag pa nito, patuloy ang pagbibigay ng impormasyon ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa galaw ng mga terorista lalo kung lalabas sila ng lungsod.

Sa ngayon aniya ay marami nang naihulog na bomba ang militar sa Marawi City, partikular sa pinaniniwlaang pinagkukutaan ng mga miyembro ng Maute Group.
DZXL558

Facebook Comments