Gobyerno at mga industry player, pinakikilos sa muling pagtaas ng inflation

Umapela si Senator Sherwin Gatchalian sa pamahalaan at sa mga industry players na sama-samang umaksyon sa muling pagtaas ng inflation rate.

Nitong Agosto ay umakyat sa 5.3 percent ang inflation sa bansa na mas mataas kumpara sa 4.7 percent noong Hulyo.

Ayon kay Gatchalian, ang muling pagtaas ng inflation rate ay nangangahulugan ng patuloy na pagbagsak ng purchasing power ng marami sa mga Pilipino.


Pero, ang nangyaring muling pagtaas sa inflation ay maging hudyat para sama-samang kumilos ang pamahalaan at ang mga industriya kung paano mareresolba ang epekto nito sa bansa.

Mahalaga aniya na magkaroon ng iisang pagsisikap na makamit ang self-sufficiency at mabawasan ang pagiging dependent ng bansa sa importasyon at paghusayin ang ating exposure sa pabago-bagong global prices.

Nanawagan din si Gatchalian na patuloy na magbantay sa sitwasyon at magkaisa na hanapan ng matatag na solusyon ang mga hamong dala ng pagtaas ng inflation.

Facebook Comments