Gobyerno at NDFP, may rekomendasyon magdeklara ng holiday ceasefire

 

May rekomendasyong magdeklara ng ceasefire ngayong pasko ang Government Peace Panel at National Democratic Front Of The Philippines (NDFP).

 

Sa isang panayam, kinumpirma ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na natanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng dalawang panig.

 

Pero hindi tiyak ni Panelo kung aaprubahan ito ng pangulo.


 

Base sa rekomendasyon, iiral ang tigil-putukan simula hatinggabi ng December 23 hanggang January 7, 2020.

 

Habang sa December 26, ipagdiriwang din ng Communist Party of the Philippines ang kanilang anibersaryo.

 

Kasabay nito, hinimok ng palasyo ang mga rebeldeng grupo na itigil ang pakikibaka, sa halip ay magbalik-loob sa pamahalaan.

Facebook Comments