Gobyerno at pribadong sektor, wala nang palusot sa mahinang internet

Manila, Philippines – Para kay Committee on Science and Technology Chairman Senator Bam Aquino, wala ng magiging palusot ang gobyerno at ang pribadong sektor para hindi matugunan ang problema sa mahinang internet sa bansa.

Ito ayon kay Aquino ay sa oras na maisabatas ang Free Internet in Public Places Act, kasabay ng pagpapatupad ng Philippine Competition Act at panukalang National Broadband Plan (NBP).

Diin ni Aquino, tataglayin na ng pamahalaan at pribadong sektor ang lahat nilang kailangan para mapaganda ang kalidad ng internet sa bansa.


Ayon kay Aquino, ang hamon ng pagpapatupad nito ay babagsak sa mga balikat ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at ng pribadong sektor.

Kumbinsido si Senator Bam na sa tulong ng Republic Act 10667 o Philippine Competition Act, ay mahihikayat ang maraming bagong player na pumasok sa telecommunications industry, na magreresulta sa mas magandang serbisyo ng internet sa mas murang halaga.

Sa tantya ni Aquino, makukumpleto ang paglalagay ng libreng internet access ang lahat ng pampublikong lugar mula 2018 hanggang 2020.
DZXL558

Facebook Comments