
Para kay Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, walang magagawa ang ating pamahalaan para mapauwi sa Pilipinas si dating Pangulong Rodrigo Duterte na ngayon ay nasa detention facility ng International Criminal Court sa The Hague simula noong March 11.
Dagdag pa ni Ridon, na isang abogado, wala ring legal na bisa ang resolusyong inihain sa Senado ni Sen. Robinhood Padilla na nananawagan sa agarang pagpapauwi kay former President Duterte.
Paliwanag ni Ridon, ang ICC na ang makakapagpasya kung papauwiin ba sa ating bansa o hindi ang dating Pangulong Duterte na nahaharap sa kasong crimes against humanity.
Ipinunto ni Ridon na mabibigat ang akusasyon kay dating Pangulong Duterte na extrajudicial killings sa ilalim ng ikinasa nitong gyera kontra ilegal na droga.









