Gobyerno, bukas pa rin sa suhestyong palawigin ang ECQ sa NCR Plus areas

Hindi naman isinasara nang tuluyan ng pamahalaan ang pinto nito para sa mga suhestyon mula sa mga eksperto hinggil sa posibleng extension ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) Plus areas.

Ayon kay National Task Force (NTF) Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez bukas sila sa opinyon ng mga eksperto lalo na’t bago maglabas ng pinal na desisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) ay komokunsulta muna sila sa mga eksperto at iba’t ibang sektor.

Sinabi ni Galvez na kinokonsidera pa rin naman ng gobyerno ang pagpapalawig ng ECQ sa NCR Plus areas lalo na kung patuloy sa pagtaas ang kaso ng COVID-19.


Base kasi sa suhestyon ng mga health experts, dapat i-extend ng 14 days ang ECQ dahil ang incubation period ng virus ay 14 days.

Kasunod nito, ipinaliwanag ni Galvez na mananatili ang NCR Plus bubble kahit na mai-lift ang ECQ.

Karamihan kasi aniya sa mga manggagawa na nagtatrabaho dito sa Metro Manila ay nakatira sa karatig lalawigan na Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal.

Sa Sabado de Gloria, posibleng ianunsyo ng IATF ang kanilang pinal na desisyon hinggil dito.

Facebook Comments