Iginiit ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na bukas ang pamahalaan sa anumang “constructive” feedback mula sa mga kritiko.
Sa programang Counterpoint, iginiit ni Panelo na hindi nila hahayaan na puro “destructive” o mapanirang kritisismo ang ibabato na layong pabagsakin ang administrasyon.
Inihalimbawa ni Panelo si Vice President Leni Robredo na nagpupukol ng mapanirang kritisismo laban sa gobyerno lalo na sa pagtugon sa pandemya.
Ang mga inaalok na suhestyon ni Robredo para mapabuti ang COVID-19 response ay matagal ng ginagawa ng gobyerno.
Ibinabato rin ng mga kritiko ang alegasyon ng korapsyon sa vaccine procurement ng pamahalaan na walang anumang pruweba.
Ang pondong hiniram ng pamahalaan para sa pagbili ng bakuna ay hawak ng mga bangko.
Ilalabas lamang ang pondo kapag dumating na sa bansa ang mga bakuna.
Itinanggi rin ni Panelo na mabagal ang vaccine rollout dahil ang mga bakunang dumating sa bansa ay nakalaan talaga para sa mga health workers.