Gobyerno , bumili na ng 20M doses ng booster shots

Sinimulan na ng pamahalaan ang pagbili ng paunang 20 million doses ng COVID-19 vaccines para magamit na booster shots.

Ayon kay Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., kukunin ang pambili ng mga bakuna mula sa natipid sa pondo ngayon taon.

Aniya, 197 million doses ang makukuha ng Pilipinas kabilang na ang mga binili ng gobyerno at pribadong sektor, gayundin ang mga donasyon mula sa COVAX Facility ng World Health Organization (WHO).


Sa ngayon, nakatanggap na ang Pilipinas ng kabuuang 118,112,370 dose ng COVID-19 vaccine.

Facebook Comments