Gobyerno, dapat bigyan ng katiyakan si Sen. Bato dela Rosa na may proseso ng hustisya sa bansa —Cayetano

Hinimok ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang gobyerno na bigyan ng katiyakan si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na may umiiral na proseso at hustisya sa bansa.

Ito ay kasunod ng halos isang buwang pagliban ni Dela Rosa sa Senado matapos lumabas ang posibilidad ng pag-aresto sa kanya ng International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Cayetano, dapat tiyakin ng pamahalaan ang karapatan at due process para kay Dela Rosa sa gitna ng mga ulat ng posibleng pagpapaaresto

Umapela rin siya sa gobyerno na ipaliwanag kay Dela Rosa na kung sakaling maaresto, maaari niyang idulog ang usapin sa mga korte ng Pilipinas na may hurisdiksiyon sa naturang mga kaso.

Nanawagan din si Cayetano sa liderato ng Senado na manindigan para sa legal protection ni Dela Rosa.

Giit ng senador, hindi makabalik si Dela Rosa sa Senado dahil wala raw katiyakan na hindi siya aarestuhin ng ICC kapag siya ay nagpakita sa publiko.

Facebook Comments