Ikinabahala ni Senator Risa Hontiveros ang dagdag na bilang ng bagong kaso ng COVID-19 Delta variant sa Pilipinas.
Giit ni Hontiveros sa National Task Force Against COVID-19, huwag maging kampante at gawin ang lahat para pigilan ang pagkalat nito at pag-ibayuhin ang testing, tracing at genome sequencing.
Pinapaalalahanan din ni Hontiveros ang publiko na ipagpatuloy ang pagsunod sa health protocols kahit bakunado na, lalo’t pinag-aaralan pa ang bisa ng bakuna laban sa Delta variant.
Umaasa si Hontiveros na sa pagdating ng mga bagong supply ng bakuna ngayong linggo ay mas bibilisan pa ng mga Local Government Units (LGUs) ang pagbabakuna.
Agaran na ring pinaghahanda ni Hontiveros ng puspusan ang Department of Health (DOH) para matiyak na may kapasidad ang ating health system na mabilisang tumugon sakaling kumalat ang Delta variant.