Gobyerno, dapat gumawa ng matapang na aksyon sa nangyayari sa West Philippine Sea

Para kay Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel, malamya ang pagtugon ng gobyerno sa matagal nang “incursion” ng China sa mga teritoryo ng Pilipinas.

Giit ni Manuel, ang kailangan ngayon ay mas matapang na “stance” o paninindigan ng Pilipinas laban sa mga ginagawa ng China sa bahagi ng West Philippine Sea.

Dismayado si Manuel, na patuloy pa rin ang pagbuo ng China na mga artificial islands at iba pang aktibidad na banta sa kabuhayan ng mga mangingisdang Pilipino.


Hindi rin pabor si Manuel sa pahayag ng ating pangulo na kaibigan natin ang lahat kahit pa binubuyangyang natin ang Pilipinas sa China at pati rin sa pag-expand ng U.S. sa ating bansa.

Facebook Comments