Gobyerno, dapat humirit sa Russia ng isang chopper kapalit ng downpayment para sa ating nakanselang order na 16 na military heavy-lift helicopters

Iminungkahi ni Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan sa gobyerno na humirit ng isang chopper at mga spare parts sa Russia.

Sabi ni Libanan, kapalit ito ng 1.9 billion pesos na advance payment natin para sa nakanselang pagbili ng 16 Russian military heavy-lift helicopters na may kabuuang halaga na 12.7 billion pesos.

Ayon kay Libanan, ganito ang dapat maging direksyon ng negosasyon ng Department of National Defense (DND) sa Russia dahil tiyak na mahihirapan na tayong mabawi ang down payment para sa nakanselang order.


Giit ni Libanan, dapat siguraduhin ng pamahalaan na hindi masasayang ang pera na ginamit bilang paunang bayad sa Russia para sana sa chopper fleet ng Philippine Air Force (PAF) na magagamit sa pagbyahe ng tropa, equipment and supplies, medical evacuation, at disaster relief operations.

Paliwanag ni Libanan, layunin ng kanyang mungkahi na maging praktikal at happy ang ending kaugnay sa ating nadiskaril na transakyon sa Russia para sa pagbili ng mga helicopters.

Facebook Comments